function registerListener() { window.wixDevelopersAnalytics.register( 'cf06bdf3-5bab-4f20-b165-97fb723dac6a', (eventName, eventParams, options) => { const XSRFToken = getXSRFTokenFromCookie() fetch( `${window.location.origin}/_serverless/analytics-reporter/facebook/event`, { method: 'POST', headers: { 'Content-Type': 'application/json', 'X-XSRF-TOKEN': XSRFToken, }, body: JSON.stringify({ eventName, data: eventParams }), }, ); }, ); function getXSRFTokenFromCookie() { var match = document.cookie.match(new RegExp("XSRF-TOKEN=(.+?);")); return match ? match[1] : ""; } } window.wixDevelopersAnalytics ? registerListener() : window.addEventListener('wixDevelopersAnalyticsReady', registerListener);
top of page

Recent Posts

Archive

Tags

Pagkakaloob: Ang Konsepto at Praktika ng Community Philanthropy sa Pilipinas

Authors: Loreine dela Cruz, Michael Vincent Mercado

Translated by: Francis Beltejar


Panimula at Konteksto

Hindi mapipigilan ang pagbabago, tanging ang mga ginagawang aksyon ang maiiba, maging ito man ay matapang at radikal o simpleng mga maliliit na pagsisikap na nakadepende sa iba't ibang konteksto at sitwasyon. Ang mga tagapagbago ay hindi mapapagod at manghihina; susuportahan sila ng mga kapwa nila may parehong diwa. Ang hiling sa transpormasyon ay mananatiling nag-aalab sa kanilang mga puso at magtutulak sa pagsulong.


Ang mga halimbawa ng nabigong mga pagsisikap sa pagpapaunlad, ang higit pang pagliit ng espasyo para sa civil society, at ang pangako ng pagpapaunlad na pinangungunahan ng lokal ay nag-aambag sa bagong pansin patungo sa community philanthropy  (Doan, 2019).


Noong 2016 at mahigit 20 taon na ang nakakalipas, isang tahimik na rebolusyon ang naganap sa mga komunidad sa buong mundo, lampas sa makinarya at radar ng malalaking pagpapaunlad (Hodgson, 2016). Isang bagong pangkat ng mga organisasyon – mga pundasyon ng komunidad, pondo para sa kababaihan, pondo sa kapaligiran, at iba pang mga grassroots na nagkakaloob ng tulong – ay lumitaw sa iba’t ibang bansa tulad ng Romania, Zimbabwe, Vietnam, at Mexico. Sila ay hinubog ng lokal na konteksto at kultura at ng mga indibidwal na madalas na nadidismaya sa mga kabiguan ng tradisyonal na tulong sa pagpapaunlad, nag-aalala sa pakiramdam ng pagkakahiwalay at pagkadismaya sa kanilang mga komunidad, at inspirado ng paniniwalang kung walang lokal na mapagkukunan, lokal na pamumuno, at lokal na pagtangkilik ang mga proyekto sa pagpapaunlad ay mananatili itong  lalagapak na tila  paputok – kikislap nang makulay at pagkatapos ay mangamamatay (Hodgson, 2016).


Ang karanasan ng Tewa sa Nepal ay nagtatag ng isang network ng mahigit sa 9,500 na mga Nepali donors, na ang karamihan ay pangkaraniwang mga kababaihan na nakinabang mula sa mga tulong ng Tewa sa nakaraan at nais magbigay pabalik. Sa kabila ng maraming internasyonal na donors na nais sumuporta sa Tewa sa kanilang mga gastos sa kawani at pagtatayo ng kanilang mga opisina, lalo na ang kanilang programa sa pagkakaloob o community philanthropy, pinili nila ang prinsipyo ng lokal na pagkalap para sa nasabing layunin. Sa dalawang dekada ng pagtatrabaho kasama ang mga lokal na grupo ng kababaihan sa buong bansa, kaya nilang agarang  tumugon sa mga bantang panganib na nagiging sakuna sa kanilang bansa, tulad ng lindol noong 2015. Ginamit nila ang kanilang mga network upang matukoy at maabot ang mga pinakamalubhang naapektuhan ang pinansya at nangangailangan ng mga emergency supply habang naglilingkod bilang mga punto ng pakikipag-ugnayan para sa pagbuhos ng tulong mula sa lokal at internasyonal.




Ang pambihirang paglago sa larangan ng community philanthropy ay minarkahan sa unang Global Summit on Community Philanthropy sa Johannesburg, South Africa. #ShiftThePower ang naging sigaw ng mga stakeholder na lumahok sa summit.


Ang community philanthropy (CP) ay naging isang anyo at puwersa para sa pagpapaunlad na pinangungunahan ng lokal na nagpapalakas ng kapasidad at boses ng komunidad, bumubuong tiwala, at higit sa lahat, tumatangkilik at pinayayabong ang mga lokal na mapagkukunan upang bumuo at panatilihin ang isang malakas na komunidad (GFCF). Mula sa tagapanguna ng community philanthropy, na si Jenny Hodgson, ang CP, ayon sa kasalukuyang praktika ng mga organisasyon, ay nag-ugat sa sibil na lipunan at mga kilusang panlipunan na maaaring bumuwag at magdemokratisa sa sistema at lumikha ng isang alternatibo sa kasalukuyang pagpapaunlad o development. Naaayong ito sa kawikaan ni John Ruskin, “Kapag tayo’y may bubuuin, ipagpalagay natin na tayo’y bubuo magpakailanman na, sa diwa, ay ang konsepto ng matatag na pagpapaunlad.”


Ang konsepto ng CP ay pamilyar sa bansa dahil ang mga Pilipino ay may natatangi at likas na kalidad ng pagbibigayan. Maraming pamilyang Pilipino ang lumaki sa praktika ng pagtitipon ng mga pamilya tuwing Linggo, maaaring lingguhan o buwanan, tuwing may pagkakataon ang mga pamilya na magbahagi ng kanilang mga biyaya – maghahanda at magluluto sila ng espesyal na pagkain tuwing Linggo para sa kanilang mga pamilya at magbabahaginan sa mga kapitbahayan. Sa panahon ng pagbibigay, ito ay isang magandang pagkakataon upang makipagkwentuhan sa mga kapitbahay tungkol sa kanilang kalagayan sa nagdaang linggo o ilang araw.


Ang salitang Pilipino na ‘pagkakaloob’ ay ang konsepto ng pagbibigay sa kulturang Pilipino na mayaman sa kahulugan at praktika. Kapag tayo ay nagbabahagi, mayroong likas na elemento ito ng pagbibigay ng ating mga sarili. Ang pagkakaloob ay ang paglalaanng oras, talento, at yaman sa mga nangangailangan o para sa isang mabuting layunin. Minsan, maaari itong umabot sa pag-alay ng sarili para sa iba bilang sakripisyo tulad ng mga Kristiyano o mga aktibista, o zakat ng mga Muslim. Ito ay isang makapangyarihang pagpapahalaga at kultura na kapag muling mag-alab sa mga Pilipino upang kumilos, ay maaaring gumawa ng malawakang pagbabago sa buhay panlipunan at pampulitika ngayon.


Pagkakaloob


Ang pagkakaloob at pagbabahagi ay likas na positibong saloobin at katangian ng maraming Pilipino ito man ay sadya o hindi sadya. Ang salita ay sumasaklaw sa diwa at pagsasagisag ng konsepto ng community philanthropy sa konteksto ng kulturang Pilipino at bilang isang tao. Sa muling pag-unawa sa diwa at ugat ng pagkakaloob, ito ay tumutukoy sa pagbibigay o pagkakaloob ng mayroon ang tao sa aspetong pinansyal o hindi pinansyal tulad ng oras, kaalaman, kasanayan, koneksyon, at network para sa ikabubuti ng mga kapitbahay, grupo, adbokasiya, at layunin para sa ikabubuti ng lahat.


Ang ‘loob’, na salitang-ugat ng kaloob sa pagkakaloob, at kapwa ay ang dalawang haligi ng etika ng kabutihang Pilipino. Ang pagkakaloob ay hindi lamang ang palabas na aksyon ng pagbibigay kundi may kasamang panloob na elemento ng sarili at mga positibong katangian ng isang indibidwal.


Alam ng mga bantog na Pilipinong iskolar tulad ni Dionisio Miranda ang kakulangan ng ‘rasyonalidad’ sa loob, at sinubukan ni Miranda na magpasok ng rason sa pamamagitan ng pagsusuri ng loob  at ng mga bahaging bumubuo rito at matukoy ang mga konseptong Pilipino na maaaring sumaklaw sa rasyonalidad. Hinati niya ang loob sa sumusunod na tatlong bahagi:


  • Elementong Kognitibo/Intelektwal

  • Elementong Boluntaryo/Kalooban

  • Elementong Emosyonal/Pathic



“Ang Pilipino ay bihirang kumilos batay sa rasyonalidad. Hindi dahil siya ay irasyonal o hindi gumagamit ng kanyang ulo, ngunit mas madalas siyang kumikilos bataysa mga pagganyak ng kanyang puso, mula sa isang intuitibo at agarang pag-unawa sa realidad. Mas tumpak na sabihin na siya ay kumikilos batay sa kanyang kalooban, na sa katotohanan, ay hindi mapaghihiwalay na puso-isip (Dy 1994).”


Ang loob ay ‘naglalaman ng isang panloob na mundo…na binubuo ng mga operasyon ng malay at isip, dama at bait , ugali at kalooban (Miranda 2003, 68). Sa ganitong diwa, ang loob ay maaaring tawaging ‘holistic will’. Giit ni Jeremiah Reyes, ang wikang Pilipino ay may napakaraming bilang ng mga salita at termino na sumasaklaw sa maraming aspeto ng pakikipag-ugnayan sa iba, at karamihan sa kanila ay mahirap isalin sa Ingles (pagmamalasakit, pakikiramay, pakikisalamuha, atbp.). Ito ay makatwiran dahil ang kalooban, ayon kay Aquinas, ay ang kapangyarihan may kaugnayan sa kapwa. Kung ang loob ay isang ‘holistic will’, ibig sabihin sakop nito  ang lahat ng iba pang kakayahan ng tao para sa pangunahing layunin ng pagtatatag at pagpapanatili ng mga relasyon sa kapwa.


Ang pagkakaloob, na may diin sa pagbibigay at pagbabahagi bilang isang relasyonal na praktika, ay tumutukoy sa puso ng community philanthropy. Ito ay isang terminong kumikilala sa pagkakaugnay-ugnay ng mga indibidwal sa loob ng isang komunidad at binibigyang-diin ang pagiging mapagbigay. Ang malalim na diwang ito, o "loob" sa kulturang Pilipino, ay itinuturing na pinagmumulan ng gabay at lakas (Renta, 2023). Ang kaloob, na nangangahulugang regalo, bigay, o talento, ay paalala na ang bawat isa sa komunidad ay may maiaambag at maibabahagi. Ang kagandahang loob ay isa pang terminong karaniwang ginagamit sa kulturang Pilipino. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng mabuti at mapagbigay na puso o isang disposisyon na nakahilig sa paggawa ng mabuti. Ito ay madalas na nauugnay sa mga gawaing kabaitan, awa, atwalang pag-iimbot. Ang isang may "kagandahang loob" ay itinuturing na ginagabayan ng pagnanais na tumulong sa iba, kaysa sa pansariling kapakanan, na makikita sa karamihan ng mga komunidad kung saan kumikilos ang mga ACSF awardee. Ang katangiang ito ay lubos na pinahahalagah