function registerListener() { window.wixDevelopersAnalytics.register( 'cf06bdf3-5bab-4f20-b165-97fb723dac6a', (eventName, eventParams, options) => { const XSRFToken = getXSRFTokenFromCookie() fetch( `${window.location.origin}/_serverless/analytics-reporter/facebook/event`, { method: 'POST', headers: { 'Content-Type': 'application/json', 'X-XSRF-TOKEN': XSRFToken, }, body: JSON.stringify({ eventName, data: eventParams }), }, ); }, ); function getXSRFTokenFromCookie() { var match = document.cookie.match(new RegExp("XSRF-TOKEN=(.+?);")); return match ? match[1] : ""; } } window.wixDevelopersAnalytics ? registerListener() : window.addEventListener('wixDevelopersAnalyticsReady', registerListener);
top of page

Ang bawat bata ay may karapatan; karapatang mabuhay, karapatan na maproteksyunan, karapatan na makilahok, at karapatan sa pag- unlad, ayon sa United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC).

 

Itinatakda ng Republic Act 10121 na ang bata bilang isang bulnerableng grupo (Sec. 3–OO) ay nararapat na magtamasa ng episyenteng mekanismo para sa dagliang paghahatid ng serbisyo sa pagkain, kanlungan, at medikal (Sec. 12 C-16).

 

Sa kabila nito, ang mga karapatang nabanggit ay nakokompromiso dahil sa pagiging bulnerable nila tuwing may disaster dahil sa madalas ay mataas ang pagkalantad nila sa mga panganib dulot ng kanilang murang edad at kakulangan sa serbisyo para sa kanila. Mas mabilis silang nagkasakit at nasasaktan tuwing may disaster na kung hindi matutugunan kaagad ay maaring humantong sa pagkamatay. Nababalam din ang kanilang pagkatuto at pag-unlad bunga ng pagka- antala ng mga klase dulot ng mga disaster. Dumaranas sila ng iba’t ibang uri ng pagsasamantala at pang-aabuso kagaya ng trafficking, pangmomolestya, pang-aabusong sekswal, pagtatrabaho, at iba pa. Bunga na din ng limitadong serbisyo para sa malinis na tubig tuwing may disaster ay naapektuhan ang sanitasyon at kanilang hygiene. Dagdag pa ay ang limitasyon sa pagtugon sa kanilang nutrisyunal na pangangailangan.

 

Mahalagang ang mga nabanggit na kalagayan ay kagyat na natutu- gunan sa pamamagitan ng iba’t ibang sektoral na gawain upang matiyak ang kabuuang pag-unlad ng mga bata.

 

Sa ilalim ng proyektong DRREAMBIG2 na ipinapatupad ng Center for Disaster Preparedness Foundation, Inc. at sa tulong ng UNICEF, ay sinikap na mailathala ang babasahing ito upang maibahagi ang mga pamamaraan kung paano tutugunan ang kalagayan ng mga bata. Nilalayon nito na mabigyan ng praktikal na gabay ang babasa kung paano maaaring ipatupad ang mga sektoral na gawain upang matiyak ang ligtas na tubig, sanitasyon, at hygiene; proteksyon, kalusugan; nutrisyon; at edukasyon ng mga bata sa tuwing may disaster.

 

Maaari ding i-download dito ang gabay na ito.

Praktikal na Gabay para sa Pagsasagawa ng Emergency Response para sa mga Bata

₱0.00Price
    bottom of page